Itong recipe na ito ay natikman ko lang po sa isang carenderia na kinakainan ko noon habang ako'y nagwowork pa sa isang government institution as (job order). Na tikman ko yung adobo nilang manok at napa wow ako dahil kakaiba yung lasa niya.
Yung asim ng batwan yung pinaka nagbigay ng sarap lalo na yung asim nito. Kaya tiningnan ko yung mga sangkap na nakalagay at yun ginaya ko sa bahay. masarap siya promise. E try niyo ng matikman niyo yung kakaibang sarap nito.
Ito nga pala ang ating mga gagamiting ingredients:
4 pcs. siling haba
1 bell pepper
garlic
red onion
batwan (batuan fruit)
2 tablespoon brown sugar
2 tablespoon margarine
1/2 kilo chicken (marinated with soy sauce and salt)
2-3 cups of water
Procedure:
1. Maglagay ng 2 tablespoons of margarine or butter in cooking pan.
2. Gisahin ang garlic, red onion until golden brown
3. Ilagay ang manok hanggang lumabas yung mantika ng manok.
4. Lagyan ng tubig, brown sugar at ng batwan, takpan hanggang sa lumambot ang manok
depende rin kung gusto mong may kunting sauce yung adobo mo.
5. At ang panghuli ilagay na ang siling haba. Kayu na po mag adjust ng salt depende sa inyong taste.
Yun lamang po, sana magustuhan niyo ang aking luto. Maraming salamat po. Kindly watch the video below para makita mo panu ito lulutoin.